Dinipensahan ni Vice President Sara Duterte ang paggastos ng P16 milyon sa loob lamang ng 11 araw para sa rental ng mga safe house sabay sabing hindi na nakagugulat para sa ahensya ng pamahalaan na gumastos ng milyon o bilyong piso para sa mga programa at proyekto.

Ito’y matapos na tanungin ng mga kongresista kung paano nagawa ng Office of the Vice President (OP) na gastusin ang P16 milyong confidential funds para sa rental ng mga safe house sa loob lamang ng 11 araw.

Sa ulat, nagkomento ang mga kongresista na ang rental cost para sa mga safe house ay mas malaki kumpara sa renta para sa isang condominium unit sa isang high-end building o luxury resort.

Sinabi ni Duterte na tila gumagawa ng sariling paga-audit ang mga mambabatas.

Binigyang-diin pa ni VP Sara na nais lamang siyang patalsikin ng mga kongresista.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, binuweltahan naman ni VP Sara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sabay sabing ang Pangulo ay mayroong “five impeachable offenses” subalit hindi naman nito idinetalye kung ano ang mga iyon.