TUGUEGARAO CITY-Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Housing Authority (NHA) ang shelter assistance para sa mga biktima ng mga kasunod na lindol sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay Governor Marilou Cayco ng Batanes, umabot sa 16 milyong piso ang kabuuang halaga nang naipamahaging tulong pinansyal sa hindi pa mabatid na bilang na totally at partially damaged na kabahayan.

Aniya, tumanggap ng P60,000 ang mga totally damaged kung saan ang P30,000 ay mula sa DSWD at ang P30,000 ay mula din sa NHA habang P10,000 ang partially damaged.

Ang tinig ni Batanes Governor Marilou Cayco

Samantala, sinabi ni Cayco na nakahanda na sa bayan ng Basco ang lahat ng mga kagamitan para sa ipapatayong temporary shelter tulad ng yero at kahoy na dadalhin sa Itbayat ngunit hindi ito magawang i-byahe dahil sa sama ng panahon

Aniya, bagamat nakauwi na ang ilang pamilya sa kani-kanilang tahanan, nasa 90 pamilya pa ang nananatiling nasa Tent city na binubuo ng 377 indibidwals.

-- ADVERTISEMENT --
Ang tinig ni Batanes Governor Marilou Cayco

Nakahanda rin si Cayco na ibahagi ang sariling sweldo para tulungan ang mga Ivatan para agad na makabangon sa naranasang kalamidad.