Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na padadamihin pa ang mga palengke na pagbebentahan ng P20 kada kilong bigas para mailapit ito sa mas maraming Pilipino.
Sa kaniyang vlog, sinabi ng Pangulo na hindi na limitado sa Kadiwa Stores o itinakdang government outlets ang P20 rice program dahil unti-unti na itong ipinatutupad sa iba’t ibang pampublikong palengke sa buong bansa.
Ang pagpapalawak aniya ng mga palengke at lokasyon ay bunga ng pagtutulungan ng national government at local government units (LGU).
Pero sa ngayon, ay nakatuon muna ang programa sa mga vulnerable sectors tulad ng 4Ps, senior citizens, PWDs, solo parents, at minimum wage earners.
Available rin ang benteng bigas sa 94 na lugar sa buong bansa, kabilang ang bagong bukas na outlet sa Zapote-Bacoor Public Market sa Bacoor City, Cavite na pinasinayaan ni Pangulong Marcos noong nakaraang linggo.