TUGUEGARAO CITY- Walang humpay ang ginagawang marijuana eradication ng mga otoridad sa Kalinga.
Ito ay nagresulta sa pagkakadiskubre sa dalawang plantation site sa Tulgao West at Luccong, Tinglayan, Kalinga sa apat na araw na operasyon mula sa November 15 hanggang 18.
Sinabi ni PCol. Vicente Davy Limmong, director ng PNP Kalinga na P32m na halaga ng marijuana plants, dried marijuana at seedlings ang kanilang sinunog sa nasabing mga lugar.
Sa Tulgao West, 20, 000 fully grown marijuana ang binunot at sinunog habang sa Luccong ay mga seedlings at marijuana dried leaves.
Ayon pa kay Limmong, tatlong oras na naglakad ang mga operatiba bago narating ang nasabing mga plantasyon na napapalibutan din ng mga punongkahoy.
-- ADVERTISEMENT --