Ikinagalak ni Cagayan Vice Governor Manuel Mamba na naipasa ang panukalang Annual Investment Program na nagkakahalaga ng halos P5B sa tamang panahon sa loob ng sampung taon.

Ayon kay Mamba, inaasahang maaapruhan ang kabuuang P4.9B na budget ng probinsiya sa plenary session ng Sangguniang Panlalawigan bukas, Nov 19.

Nakapaloob dito ang mga priority projects and program ng lalawigan tulad ng trabaho, agrikultura, edukasyon, elektrisidad, imprastruktura at mga programa para sa mga magsasasaka, kabataan at iba pa na nakapaloob sa EGAY PLATFORM na programa ni Governor Egay Aglipay.

May nakalaan ding pondo para sa ipapatayong international seaport sa Aparri, Cagayan.

Dagdag pa ng Bise-Gubernador na mas mataas ng 14% ang 2026 budget kumpara sa budget ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --