Nagkaloob ang Department of Agriculture (DA) Region 2 ng P5.5 million na Community-Based Swine Facility sa Claveria Poultry Raisers Association sa Claveria, Cagayan sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program ng National Livestock Program.

Ayon kay Ferdinand Arquero, assistant livestock focal person ng DA Region 2, malaking tulong ito sa mga swine farmers upang maiangat ang kanilang kabuhayan at maibalik ang sigla ng babuyan sa Lambak Cagayan na pinadapa ng African Swine Fever.

Kabilang aniya sa pinagkaloob ay sampung inahin at isang boar na naglalayong muling iangat ang hog industry sa rehiyon.

Layunin aniya ng nasabing proyekto na maiangat ang lokal na industriya ng babuyan at matiyak ang sapat na suplay ng karne ng baboy sa probinsiya.

Tiniyak niya na ang mga miyembro ng kooperatiba ay lubos na nakatuon sa pagpapatupad ng pinakamataas na pamantayan sa kanilang operasyon. Layunin ng proyekto na magdulot ng benepisyo hindi lamang sa kasalukuyang komunidad kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon.

-- ADVERTISEMENT --