Nagkaloob ng tulong pinansiyal ang Department of Agriculture sa mga magsasaka ng sibuyas sa lalawigan ng nueva vizcaya upang mapalago ang kanilang produksiyon
Ayon kay Carol Albay, Regional High Value Crops Development Program Focal Person, ang P5.8 million na halaga ng mga Red Onion Seeds ay ibinigay sa Abuyo Onion Growers Association sa bayan ng Alfonso Castaneda.
Ang nasabing tulong ay mula sa HVCDP regular at Quick Response Funds ng DA.
Nauna rito, nagsagawa din ng Technical Briefing ang DA sa mga magsasaka upang madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa industriya ng onion farming sa rehiyon dos.
Nagpasalamat din si Albay sa mga magsasaka na bumubuo ng Abuyo Onion Growers Association sa bayan ng Alfonso Castaneda dahil sa patuloy nilang suporta at partisipasyon sa mga programa at proyekto ng DA.
Maliban sa mga magsasaka ng sibuyas, ang nasabing Technology Briefing ay dinaluhan din ng mga opisyal ng barangay Abuyo sa bayan ng Alfonso Castaneda.