
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang agarang pamamahagi ng PHP 5,000 fuel subsidy para sa mga pampasaherong drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina bunsod ng umiiral na tensyon at gyera sa Middle East.
Upang mapabilis ang implementasyon, pinulong ni Executive Secretary Ralph G. Recto ang mga Metro Manila mayors ngayong araw para plantsahin ang mabilis at maayos na pamamahagi ng tulong.
Binigyang-diin ni Recto na mahalaga ang pagtutulungan lalo at ang mga mayors ay higit nakakaalam sa tunay na siwasyon at bilang ng mga tricyle at jeepney drivers sa kani-kanilang mga lungsod.
Sabi ni Rectp na nais ng Pangulo na agad maipaparating ang tulong sa bawat driver na nangangailangan.
Magsisimula sa susunod na linggo ang distribusyon ng fuel subsidy sa Metro Manila, na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Transportation (DOTr).
Kasunod nito ay agad na ipatutupad ang pamimigay sa iba pang rehiyon sa buong bansa.
Ito ay bahagi ng malinaw na direktiba ng Pangulo na magbigay ng agarang ginhawa at proteksyon sa kabuhayan ng mga sektor na direktang tinatamaan ng krisis sa langis.
Makikipagtulungan ang mga ahensya ng national government at mga LGUs upang matiyak na mabilis, maayos, at direktang makarating ang tulong sa mga drivers na nangangailangan.










