Naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Kalinga ng P500,000 na reward para sa impormasyon na magtuturo sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa pumatay kay Irene Campilis-Gayamosa, 31 taong gulang, isang master weaver mula sa Lubuagan.

Ayon kay Gov. James Edduba, inaprubahan ang reward sa pagpupulong ng Task Force Irene na itinatag ng peace and order council.

Nakatukoy na ang pulisya ng ilang posibleng suspek at nangangalap ng impormasyon mula sa mga kapitbahay at saksi.

Bukod sa reward, nakalaan rin ang P200,000 para sa suporta sa administratibo at intelligence operations ng pulisya.

Matatandaang noong Nobyembre 12 nang maiulat na pinagsasaksak si Gayamosa ng hindi pa nakikilalang salarin gamit ang bolo sa harap ng kanyang weaving shop sa Barangay Bulanao.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyang hinihintay ng mga imbestigador ang resulta ng laboratory test mula sa regional Scene of the Crime Operatives sa Benguet.