Sinuportahan ng Department of Agriculture ang pahayag ng Department of Trade and Industry na maaaring magkasya ang P500 para sa mga panghanda sa Noche Buena, depende sa pipiliing pagkain ng isang pamilya.

Ayon sa DA, posible itong makamit kahit para sa pamilyang may limang miyembro dahil sa kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin, gaya ng baboy na nasa humigit-kumulang P330 kada kilo at manok na nagkakahalaga ng P180 hanggang P200 kada kilo.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na mamili sa mga Kadiwa Store, kung saan mas mababa ng halos 20% hanggang 30% ang presyo ng mga bilihin dahil direktang nagmumula ang mga ito sa lokal na magsasaka.

Nilinaw ng DA na bagamat limitado ang pagpipilian sa loob ng P500, makatutulong ang maingat na pamimili upang mapalawak at mas mapakinabangan ang badyet ng pamilya para sa Noche Buena.