
Tinatayang nasa P53K ang inisyal na halaga ng pinsala sa nasunog na poste ng telecommunication company na ikinadamay ng poste ng kuryente ngayong araw sa bahagi ng Gonza St. corner Mabini St sa Tuguegarao City.
Ayon kay SFO3 Joseph Nga-o, chief investigation and intelligence unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tuguegarao na patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.
Agad namang naapula ng mga bumbero ang sunog at hindi na kumalat sa mga katabing gusali.
Bukod sa mga kable ng internet at telephone ay kasama sa nasunog ang transformer ng CAGELCO I na dahilan ng pansamantalang pagkawala sa suplay ng kuryente sa ilang lugar sa lungsod.