Tuguegarao City- Umabot sa P6M ang halaga ng marijuana ang binunot at sinira sa Kalinga.

Sinabi ni PCOL. Davy Limmong, Provincial Director ng Kalinga PNP, 30, 000 na fully grown marijuana ang nadiskubre ng mga otoridad na nakatanim sa 5,000 sqm na plantasyon sa mabundok na bahagi ng Brgy. Lagcong.

Aniya ay tatlong araw na isinagawa ang operasyon na natapos lamang nitong Biyernes Agosto 14.

Ayon sa kanya ay wala na silang naabutang cultivators ng marating ang lugar dahil sa hirap ng daan.

Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na makipagtulungan sa kanilang hanay upang mawakasan ang problema sa iligal na droga sa lalawigan ng Kalinga.

-- ADVERTISEMENT --
Ang tinig ni PCOL Limmong