Isinumite ng administrasyong Marcos sa Kongreso ang panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027, mas mataas ng P407 bilyon o anim na porsiyento kumpara sa P6.793-trilyong budget ngayong 2026.

Ayon sa Department of Budget and Management, ang panukalang pondo ay katumbas ng 21.7 porsiyento ng gross domestic product o GDP ng bansa.

Gayunman, sinabi ng DBM na nahaharap ang pamahalaan sa masikip na fiscal space dahil sa pagtaas ng mga obligadong gastusin tulad ng National Tax Allotment ng mga lokal na pamahalaan, pagbabayad ng interes sa utang, at iba pang mandatory expenditures.

Nakatakdang isumite sa Kongreso ang panukalang budget sa pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon sa Hulyo 24 para sa pagtalakay at pag-apruba.