Nangko si Senator Sherwin Gatchalian na bubusisiin sa budget deliberations ang subsidy na hinihingi ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para matiyak na magagamit nito ang pondo para suportahan ang pangangailangan ng Filipinos.
Sinabi ni Gatchalian na ngayong taon, naglaan ang pamahalaan ng P61 billion na subsidy sa Philhealth para sa pagpapawalak ng bilang ng kanilang indirect beneficiaries, subalit nabigo na ipatupad ito ng tanggapan.
Para sa 2025, himihingi ng Philhealth ng karagdagang P71 billion na subsidy sa kabila ng kabiguan na gamitin ang lahat ng kanilang pondo.
Una rito, naghain ng petisyon ang maraming grupo at indibidual na pinangunahan ni Senator Aquilino Pimentel III sa Supreme Court laban sa diversion ng P89.9 billion na excess Philhealth funds sa unprogrammed appropriations sa national budget.