Naglaan ng P87 milyon mula sa 2020 budget ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para sa kampanya kontra insurhensiya at kriminalidad.
Ayon kay Governor Manuel Mamba, makakaasa ang kasundaluhan at kapulisan sa suporta ng pamahalaang panlalawigan upang mawakasan ang impluwensiya ng makakaliwang grupo sa lipunan at maging ang kriminalidad.
Layon ng paglalaan ng pondo na mapunan ang kakulangan sa pasilidad sa mobilization at communication para sa Cagayan Police Provincial Office, 17th Infantry Batallion at Marine Batallion Landing Team 10.
Dagdag pa ni Mamba na malaki ang pag-asa ng lalawigan na makamtam ang kapayapaan laban sa makakaliwang grupo at mapagtagumpayan ang laban sa kriminalidad.