Umabot sa P9.06 bilyon ang pondong ilalaan ng pamahalaan para sa 605 farm-to-market road projects sa limang rehiyon sa Luzon.

Sa ilalim ng kasunduang nilagdaan ng Department of Agriculture at Department of Public Works and Highways, aabot sa 604 kilometro ang kabuuang haba ng mga kalsadang itatayo o aayusin sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region.

Layunin ng programa na mapadali ang pagbiyahe ng mga produktong agrikultural mula sa mga sakahan patungo sa mga trader, processor at consumer, at mapalawak ang access ng mga rural community sa serbisyo at oportunidad sa kabuhayan.

Ayon sa DA, gagamit din ng digital portal at iba pang monitoring system para masubaybayan ang progreso ng mga proyekto mula pagpaplano hanggang konstruksyon.

Katumbas ito ng tinatayang P15 milyon kada kilometro ang average na gastos sa proyekto.

-- ADVERTISEMENT --