
Nag-deploy ang Department of Energy ng Mobile Energy System sa Pag-asa Integrated School sa Kalayaan, Palawan, na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa Presidential Communications Office, bahagi ito ng pangako ng administrasyong Marcos na maihatid ang mahahalagang serbisyo kahit sa mga malalayong komunidad.
Ang Mobile Energy System ay solar-powered at may kasamang battery storage, na magbibigay ng ligtas, maaasahan, at tuloy-tuloy na kuryente sa paaralan.
Dahil dito, masisiguro ang walang patid na pag-aaral at maayos na operasyon ng paaralan para sa mas magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.
Layunin din ng proyekto na walang batang maiiwan sa dilim, at magkaroon ng liwanag ang kanilang landas tungo sa edukasyon at pag-unlad.










