
Nagkasundo sina Manny Pacquaio at Floyd Mayweather Jr. na magkaroon ng professional boxing rematch sa September 19 sa Sphere sa Las Vegas.
Ang anunsiyo ay ilang araw matapos na sabihin ni Mayweather na lalabas siya mula sa kanyang pagreretiro sa boxing kasunod ng kanyang 2026 exhibition laban kay Mike Tyson.
Muling lumaban si Pacquaio matapos ang kanyang pagreretiro noong buwan ng Hulyo at nilabanan si noon ay WBC welterweight champion Mario Barrios, kung saan nagtapos ang laban sa draw.
Makakaharap din niya sa isang exhibition si Ruslan Provodnikov sa April 18 sa Las Vegas.
Hindi pa mabatid kung anong weight class ang kanilang paglalabanan o kung ilang rounds.
Matatandaan na tinalo ni Mayweather si Pacquaio sa pamamagitan ng unanimous decision sa blockbuster fight noong May 2, 2015.
Sinabi ni Mayweather na natalo na niya minsan si Pacquaio at kumpiyansa siya na muli niya itong matatalo sa kanilang rematch.
Ayon naman kay Pacquaio, nananatiling ang kanilang laban ni Mayweather ang pinakamalaki sa kasaysayan, kaya nararapat lamang ang kanilang rematch para sa boxing fans.










