
Nanumpa na si dating senador Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang bagong secretary at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa seremonyang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang nitong Martes.
Ayon sa Malacañang, personal na pinangasiwaan ni Marcos ang oath-taking at nagpahayag ng tiwala sa pamumuno ni Pacquiao habang pinaiigting ng administrasyon ang mga programa laban sa kahirapan, pagsusulong ng social reforms, at paglalapit ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad.
Nagsilbi bilang senador si Pacquiao mula 2016 hanggang 2022.










