Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng Philippine Air Force ng relief goods at iba pang pangangailangan sa mga lugar sa Cagayan na hindi kayang marating ng mga sasakyan.
Kabilang sa mga lugar na ito ay ang Barangay Batu sa Enrile, sa Baggao naman ay ang mga barangay ng San Miguel, Taytay, Betag Grande, San Jose, Mabini, Bagunot, Tanguigui, Masical, Curippian, Bunugan, San Vicente at Canatagan.
Sa Amulung West naman ay ang mga barangay ng Palacu, Bauan, Baccuit, Dafunganay, Logung, Alitungtung, Goran, Agguirit, Unag, Gabut, Tana, Pacac Grande, Pacac Pequeño at Masical habang sa barangay Damurog, Jurisdiccion, Pagbangkeruan, Pinopoc, Calantac, Dafunganay, Afusing Bato, Malalatan, Abbeg at Cabuluan.
Kabilang din sa pupuntahan ng PAF ang mga barangay ng San Antonio at Fabrica sa Lal-lo at sa Sto Niño ay sa barangay ng Tamucco, Matalao, Abariongan Uneg. Abariongan Ruar, Calapangan at Calasitan.
Samantala, 26 na municipalities na binubuo ng 486 barangays ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cagayan.
Ang naapektuhan namang mga pamilya ay 110, 161 na binubuo ng 406,145 persons.
Umaabot pa sa 24 na municipalities ang may mga nananatiling evacuees sa 284 evacuation centers.
Ito ay binubuo ng 46, 827 familis o 155, 398 persons.
12 naman ang nasawi, pito ang injured, isa ang missing at apat na ang nasa pagamutan matapos silang makuryente.
Sa danyos naman sa sektor ng agrikultura, sa bigas ay mahigit sa P102m ang nasira sa mahigit 1,000 hectares, sa mais ay mahigit P21m sa mahigit 1,000 hectares, mahigit P5m sa mga gulay hat mahigit P2m sa livestocks.