Tuguegarao City- Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pag-ambush patay kay Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados sa bahagi ng Manila.
Sa panayam kay Atty. Egon Cayosa, President ng IBP, ito na ang ika-56 na kaso ng pag[atay sa abogado sa loob ng napat na taon
Sinabi niya na nakakalungkot na ang mga nagpapatakbo ng hustisya mismo ay nagiging biktima ng karahasan.
Giit pa nito na sana ay may resulta ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad at handa naman ang kanilang hanay na makipag-tulungan upang mapanagot ang mga salarin sa pagpatay sa abugado.
Samantala, umapela rin si Atty. Cayosa sa Supreme Court na huwag ng patagalin ang desisyon sa mga inihaing petition kaugnay sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Ito ayon sa kanya ay upang matuldukan na ang bangayan at pag-aaway ng ilang mga grupo hinggil sa naturang usapin.
Aniya, pinag-aaralan din nila sa ngayon ang ihahain ding petisyon ng IBP ngunit anoman ang magiging pasya ng SC ay handa naman nilang sundin.
Panawagan pa nito ay dapat ding tiyakin na hindi maaabuso ang nasabing batas lalo na sa kamay ng mga mapang-abusong law enforcers.