Hindi na naiwasan pang madismaya ni Senate Minority Leader Tito Sotto kasunod ng pagbagsak ng trust at performance rating ng Senado sa bagong inilabas na resulta ng OCTA Research survey.

Sa nasabing survey, bumababa sa 49% mula sa dating 57% ang trust rating ng publiko sa Senado kung saan sa Mindanao halos nakatanggap ng mababang rating ang naturang institusyon.

Maliban pa roon, nasa 47% na lang din ang performance rating ng institusyon mula sa dating 53%.

Ayon kay Sotto, sa kanyang pagkakaalala, ngayon lang bumaba sa ganitong porsyento ang rating Senado na kahit kailan ay hindi raw bumaba sa rating ng Kamara.

Maalalang isinagawa ang survey sa 1,200 na respondent sa pamamagitan ng face-to-face interview.

-- ADVERTISEMENT --