TUGUEGARAO CITY-Hindi balanse para sa mga consumer at sa mga magsasaka ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pagbaba ng presyo ng palay na epekto ng Rice Tarrification Law (RTL).
Ito ang inihayag ni Ruberto Busania ng department of Agriculture (DA)-Region 2, kung saan nasa 14.5 percent ang ibinaba ng presyo ng bigas habang sa presyo ng palay ay nasa 26. 49 percent.
Dahil dito, kanyang sinabi na malaki ang pagkalugi ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay.
Kaugnay nito, sinabi ni Busania na gumawa ng hakbang ang pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka tulad ng pagbibigay ng pautang at financial assistance.
Hinimok rin niya ang mga magsasaka na dagdagan ang maaring pagkuhanan ng kita tulad ng crop diversity.
-- ADVERTISEMENT --