Inihayag ni Cagayan Vice-Governor Manuel Mamba ang pangangailangan na baguhin ang political system sa bansa sa gitna ng isyu ng malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Mamba, kung hindi babaguhin ang sistema sa pagpili ng lider sa bansa ay mauulit ang pagnanakaw sa kaban ng bayan na nagsimula kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Dagdag pa ni Mamba, ang demokrasya ay hindi lamang sa pagboto ng lider kundi sa kung sino ang makikinabang para rito.

Inihalimbawa ng bise gubernador na sa ibang bansa na walang eleksyon at pinipili lamang, subalit maayos ang kanilang pamamahala.