
Iginiit ni dating Education Undersecretary at defense lawyer Michael Poa na hindi garantiya ang pagbili ng impormasyon gamit ang confidential funds para agad na magtagumpay ang information gathering.
Sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Poa na hindi nangangahulugang kapag nakakuha na ng impormasyon ay agad itong magreresulta sa tagumpay o may maipapakitang ebidensiya nito sa Commission on Audit.
Kinumpirma rin ni Poa na para sa kanya, maaaring bayaran ang mga informant gamit ang confidential funds ng Department of Education kahit walang agarang ebidensiya ng tagumpay, alinsunod sa Joint Circular 2015-01.
Samantala, sinabi ni Poa na humingi siya ng military certification kay retired Colonel Nolasco Mempin para sa liquidation ng P15.5 milyon na confidential funds ng DepEd, kahit wala umanong personal na kaalaman si Mempin kung paano ginastos ang naturang pondo.










