Naging maayos umano ang pagbubukas ng unang araw ng klase sa mga pampublikong lugar dito sa Cagayan.
Sinabi ni Orlando Manuel, Schools Division Superintendent ng SDO Cagayan na nakahanda ang mga guro sa pagbubukas ng klase sa pamamagitan pa rin ng blended learning.
Kaugnay nito, sinabi ni Manuel na mas mababa ang enrolees ngayong school year na 255,355 kumpara sa mahigit 270,000 sa nakalipas na school year.
Gayonman, nilinaw ni Manuel na madagdagan pa ito dahil sa hindi pa nae-encode ng mga guro ang lahat ng pangalan ng mga enrolees dahil na rin sa mahinang internet connectivity lalo na sa mga mabundok at island schools.
Kasabay nito, sinabi ni Manuel na maaari pang mag-enroll ang mga hindi pa nakakapag-enroll hanggang September 30 ngayong taon.