Inilabas na ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco ang pangalan ng dating cabinet official na tumulong para mabigyan ng lisensya ang iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sinalakay ng mga awtoridad at sangkot sa mga krimen kamakailan.

Sinanggit ni Tengco ang pangalan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-lobby para sa POGO hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga kung saan nong ikatlong linggo ng Hulyo taong 2023 nakatanggap ang Pagcor ng tawag mula kay roque at humingi ito ng appointment sa kanya.

Nagtungo aniya sa kanyang opisina si Roque noong Hulyo 26 ng parehong taon kasama si Katherine Cassandra Ong, na authorize representative ng Lucky South 99.

Bukod dito ay kasama niyang nakipag-usap kina Atty Roque si Atty. Jessa Fernandez na namumuno ng Gaming and Licensing Division ng Pagcor.

Nakiusap aniya si Roque na tulungan si Ong dahil mayroong utang ang kanilang kompanya na 500,000 US Dolar dahil niloko sila ni Dennis Cunanan kung saan hindi ibinayad sa Pagcor para sana sa gaming fees at ibang additional fees.

-- ADVERTISEMENT --