TUGUEGARAO CITY-Nakatutok pa rin ang mga miembro ng kapulisan sa pagbabantay may kaugnayan sa paggunita sa araw ng mga patay hanggang ngayong araw, November 3, 2019 lalo na sa mga bus station.

Ayon kay P/capt Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), inaasahan na ang pagdagsa ng mga pasahero na babalik sa lungsod ng Maynila.

Aniya, ito ay para mapanatili ang kaayusan at katamikan sa mga bus station maging sa mga van terminal sa lungsod.

Samantala, sinabi ni Mallillin, batay sa kanilang monitoring sa Undas 2019 , mas mababa ang naitalang insidente ngayong taon kumpara nitong nakalipas na taon.

Ilan sa kanilang naitalang insidente ay ang sunog sa bayan ng Lasam, aksidente sa daan sa bayan ng Lal-lo maging sa Allacapan at ang pagkarekober sa bangkay ng isang forest ranger ng Community Environment and Natural Resources Office ng Cabagan, Isabela na kinilala na si Cecilia Agabbao.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuan, sinabi ni Mallillin na mapayapa at tahimik ang paggunita ng Undas ngayong taon sa probinsiya.