
Matapos ang higit isang dekada, sisimulang muli ang paghahanap sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Ayon sa Transport Ministry ng Malaysia, ipagpapatuloy ang paghahanap dito sa katapusan ng Disyembre.
Ang missing MH370 flight ay isa sa mga pinakakontrobersyal, at pinaka-misteryosong
aviation incident sa mundo.
Ito rin ang may pinakamalawak na search na nilahukan ng iba’ tibang bansa, kabilang na ang Amerika, China, Vietnam, Japan, Australia, South Korea, at iba pa.
Ang Boeing 777 na may kargang 239 pasahero ay bigla na lang nawala sa radar habang papuntang Kuala Lumpur mula Beijing noong March 8, 2014.
2017 nang ianunsyo ang suspension ng official search ng Malaysia, pero mayroon pa ring ibang attempts na ito ay hanapin.
Sa kabila ng milyun-milyong dolyar na nagastos para sa paghahanap dito, wala ni isang search missions ang nagtagumpay, maliban lang sa mga narekober na debris na pinaniniwalaang nagmula sa eroplano.










