Hindi katanggap-tanggap para kay Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pagharang ng China sa medical evacuation ng isang sundalo sa BRP Sierra Madre lalo’t kinakailangang madala sa pagamutan ang maysakit na tauhan.

Ayon sa Pangulo, maaaring maisama ang insidente sa mga talakayan hinggil sa provisional understanding ng Pilipinas at China, gayundin sa kasunduan sa Code of Conduct (COC) sa West Phil Sea.

Tinukoy ni Pang Marcos ang insidente bilang indikasyon ng paglala ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nagpasalamat din ang punong ehekutibo sa mga kaalyadong bansa sa kanilang suporta sa Pilipinas.

Pinuri din ng Pangulo ang mga otoridad sa patuloy na pagtulong sa mga mangingisda at pagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa WPS at hindi nagpatinag sa pang haharass ng mga Chinese authorities.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala si Pangulong Marcos na makaaapekto sa mga pag-uusap sa China ang pagharang ng mga Chinese troops sa medical evacuation ng isang maysakit na sundalong Pilipino mula sa BRP Sierra Madre noong Huwebes.

Ayon sa Pangulo, maaaring maisama ang insidente sa mga talakayan hinggil sa provisional understanding ng Pilipinas at China, gayundin sa kasunduan sa Code of Conduct (COC) sa West Phil Sea.