TUGUEGARAO CITY- Naniniwala ang grupong KARAPATAN na ang pagiging vigilante ng mga mamamayan ang dahilan kaya napigil ang pagpapalaya sana kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na may kasong rape at murder.
Sinabi ni Christina Palabay, secretary general ng grupo na naudlot ang sinasabing paglaya ni Sanchez matapos na marami sa mga mamamayan kabilang ang mga law experts at mga kamag-anak ng mga biktima ng dating alkalde ang naghayag ng kanilang hinanakit at pagbatikos sa nasabing hakbang sa media at maging sa social media.
Kinukuestion ng mga ito ang naging basehan ng Bureau of Corrections para maging karapat-dapat si Sanchez sa Good Conduct Time Allowance gayong heinous crime ang kanyang ginawa bukod pa sa may mga paglabag umano siya sa kulungan.
Dahil dito, sinabi ni Palabay na dapat na maimbestigahan ito at kung may anomalya ay panagutin ang nasa likod ng tangkang pagpapalaya kay Sanchez.
Kasabay nito,sinabi ni Palabay na mismong ang pamahalaan umano ang nasa likod ng pagsusulong para makalaya si Sanchez.