Nababahala umano ang bansang Qatar sa tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ayon kay Ronald Teves, isang OFW sa bansang Qatar na tubong Baggao, Cagayan na ramdam nito ang pagkabahala ng Qatar kung saan agad nakipagdayalogo ang Foreign Minister ng bansa sa Iran habang nakipagpulong ang Emir o Hari ng Qatar kay US President Donald Trump matapos mapatay ng puwersa ng Amerika ang pinakamataas na heneral ng Iran na si Qassem Soleimani.
Hindi umano malayong madamay ang naturang bansa kung lumala ang tension dahil karamihan sa base militar ng US ay nasa Qatar na magkaalyado.
Inihalimbawa ni Teves na nagawang pasabugin ng Iran ang ilang bahagi ng Iraq na mayroong military base ang US kahit na kaibigan umano niya ang bansa.
Nabatid 821 kilometers ang layo ng Qatar sa iran.