Hinikayat ni Cagayan Governor Edgar Aglipay ang bawat isa na magkaisa at pagtibayin ang tunay na kahulugan ng Kalayaan.

Sa kanyang mensahe ngayong Independence Day, binigyang-diin ng gubernador na kung noon ay ipinaglaban ng mga ninuno ang kalayaan mula sa mga dayuhan, ang hamon naman sa kasalukuyan ay ang pagpapalaya sa bayan mula sa kahirapan at pagkawatak-watak ng pananaw dahil sa patuloy na bangayan sa pulitika.

Ang tunay na kalayaan aniya ay nakikita kapag bawat pamilya ay may sapat na pagkain, disenteng kabuhayan, maayos na edukasyon at serbisyong pangkalusugan.

Nanawagan rin si Aglipay ng suporta sa layunin ng Bagong Pilipinas tungo sa isang maunlad na rehiyon.