Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang alok na government position ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Police Gen. Nicolas Torre III ay may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa korupsyon.

Iginiit ni Remulla na walang personalan sa pagtanggal kay Torre bilang PNP chief matapos ang magkakaibang opinyon sa National Police Commission tungkol sa assignments ng senior police officials.

Si Remulla, bilang kalihim ng Deparment of Interior and Local Government (DILG), ay ex-officio chair ng Napolcom.

Sinabi ni Remulla na may tiwala pa ang Pangulo kay Torre kaya ang posisyon na iaalok sa kanya ay may kaugnayan sa anti-corruption.

Dahil dito, sinabi ni Remulla na ang pagkakaiba ng pananaw ay nangangahulugan di9n ng pagtatapos na rin ng pagkakaibigan, o pagtatapos ng working relationship.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Remulla na ipinag-utos ni Marcos ang pagsibak kay Torre dahil sa walang pag-apruba ang Napolcom sa assignements ng top officials ng PNP.