TUGUEGARAO CITY-Hinimok ni Joel Egco ang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na huwag nang pakinggan ang pahayag ng Human Rights Watch Philippine na “partial justice” lamang ang Maguindanao Massacre Case.
Ito’y dahil nasa 80 ang nananatiling at large dahil sa kaso.
Ayon kay Egco, gumawa na ang kanilang ang hanay kasama ang Department of Justice at PNP ng tracker team para mahanap ang iba pang akusado.
Sakabila nito, sinabi ni Egco na kailangan ay suportahan at dapat ipagdiwang ang pagkamit ng hustisya ng mga biktima maging ang kanilang mga kaanak dahil nahatulan na ang pangunahing akusado sa karumal-dumal na krimen.
Aniya, huwag gawing “negative” o hindi magandang pananaw ang hindi pagkakahuli ng iba pang sangkot sa kaso dahil ginagawa naman ng mga kinauukulan ang kanilang makakaya para mapanagot ang lahat ng mga suspek.
Sinabi ni Egco na ang inilabas na hatol laban sa mga akusado ay pagpapakita lamang na may hustisya sa bansa.