
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, layunin ng pagsali ni Senador Mark Villar sa majority bloc na mapanatili ang katatagan ng Senado at matiyak ang tuloy-tuloy na paggawa ng mga batas.
Ibinahagi ni Gatchalian na matagal na silang magkaibigan ni Villar at madalas nilang napag-uusapan ang direksiyon ng Senado, gayundin ang mga hakbang na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Pinuri rin ng Senate President ang kakayahan ni Villar, na aniya’y may malawak na karanasan sa negosyo at may master’s degree sa business economics, na maitutulong sa hanay ng mayorya.
Pormal na sumapi si Villar sa majority bloc noong Oktubre 8, kasabay ng pagkakahirang sa kaniya bilang chairman ng Senate Committee on Public Works. Naging miyembro rin siya ng Commission on Appointments, kapalit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Dahil sa pagbabago, umabot sa 14 ang mga miyembro ng majority bloc, habang 10 naman ang kabilang sa minorya.
Gayunman, naganap ang pagbabago sa hanay ng mga senador habang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dahilan upang lumutang ang mga tanong kung may magiging epekto ito sa takbo ng paglilitis.










