Tuguegarao City- Ikinatuwa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagpapaliban muna sa pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral sa Agosto 24 sa gitna ng pandemya.

Ito ay matapos na apruhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na iurong ito sa Oktubre 5 ngayong taon bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Sa panayam kay Cong. France Castro ng ACT, sa pamamagitan nito ay mabibigyan pa ng pagkakataon ang kagawaran ng edukasyon na makapaghanda ng mas komprehensibong plano sa pag-aaral ng mga estudyante.

Umaaasa rin ang nasabing grupo na tutugunan din ng DepEd ang kondisyon at kalusugan ng ibang mga guro na magtuturo sa mga mag-aaral.

Sa gitna aniya ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay may pagkakataon pa ang pamahalaan na pagandahin ang blended learning system para sa dekalidad na edukasyon ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --