Nanawagan sina Sens. JV Ejercito at Raffy Tulfo ng pagpapalit kay Chinese Ambassador Jing Quan bilang kinatawan ng China sa Pilipinas matapos ang word war sa pagitan ng Senado at ng Chinese Embassy sa Manila.

Ayon sa dalawang senador, maaaring mapabuti ng bagong ambassador ang tensyon sa relasyon matapos tutulan ng embassy ang resolusyon ng Senado na kritikal sa ilang opisyal ng China. Tumugon naman ang ilang opisyal ng China sa mga senador at kay Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela dahil sa kanyang pahayag at paggamit ng caricature ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Ejercito, bagama’t nasa Pilipinas lamang si Jing mula Disyembre, naging “very hostile” na umano ito.

Sumang-ayon naman si Tulfo sa pahayag ni Ejercito, at sinabi na si Jing ay “very aggressive at very sensitive” kumpara sa kanyang predecessor na si Huang Xilian.

Parehong iginiit ng mga mambabatas na ang Senado ay ipinapahayag lamang ang karapatang ipagtanggol ang interes ng Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --