
Magsisimula sa Enero 20 ang paglilitis sa kasong isinampa laban kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa Sandiganbayan, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Lunes.
Sa isang press conference, sinabi ni Dizon na personal siyang tetestigo sa pagdinig bilang complainant sa kaso.
Dagdag pa niya, dahil siya ang complainant sa marami sa mga kasong isinampa, inaasahan na haharap siya bilang testigo sa iba pang mga pagdinig sa mga susunod na linggo at buwan bilang bahagi ng paniningil ng pananagutan sa mga sangkot.
Nauna nang naglabas ng arrest warrant ang korte laban kay Co at iba pa, kabilang ang ilang opisyal ng DPWH at mga direktor ng Sunwest Corp., kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.










