Simula umano ng mas matinding bangayan sa pagitan ng mga top political dysnasties sa bansa ang pagtanggal kay Vice President sara Duterte sa National Security Council (NSC).

Sinabi ito ni House Deputy Minority Leader France Castro bilang reaksion sa inilabas na Executive Order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa reorganization ng NSC, kung saan tinanggal na miyembro si VP Sara dahil sa wala umanong halaga ang posisyon nito sa mga responsibilities ng konseho.

Una rito, ipinaliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang kautusan ni Marcos ay may layunin na magkaroon ng streamlining sa membership ng NSC.

Ayon sa kanya, sa ngayon ang VP ay itinuturing na hindi mahalaga sa responsibilities sa membership ng NSC.

Iginiit din niya na ang executive order ay magbibigay ng kapangyarihan sa presidente na magdagdag na mga kailangan na mga miyembro o advisers.

-- ADVERTISEMENT --