Mariing kinondena ng Malacañang ang pahayag ng lead legal counsel ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Nicholas Kaufman na sinisiraan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Duterte.

Sianbi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na ang paratang na ito ay matatawag na isang kalokohan.

Iginiit ni Castro na tila ang abogado ang may sakit at hindi si Duterte dahil tila nakalimutan umano nito na ng kasong crimes against humanity na isinampa sa ICC laban kay Duterte ay noong 2017 pa kung saan si Pangulong Marcos ay isa pa lamang private citizen.

Dagdag pa niya ang mga nangyaring pagpatay o extrajudicial killings ay noong alkalde pa ng Davao City si Duterte.