
Tuloy sa Setyembre 14, 2026 ang halalan para sa parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na wala siyang maibigay na karagdagang detalye tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng halalan, ngunit tiniyak na magpapatuloy ito ayon sa nakatakdang petsa.
Samantala, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na naideploy na sa mga local hub sa BARMM ang lahat ng election paraphernalia para sa kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, ihahatid ang mga election materials mula sa local hubs patungo sa 105 munisipalidad at dalawang lungsod sa BARMM bago sumapit ang Setyembre 8.
-- ADVERTISEMENT --










