Hindi papatulan ng Office of the President ang mga patutsada ni Vice President Sara Duterte sa naging press briefing nito kahapon.

Ayon kay Presidential COmmunications Office Secretary Cesar Chavez na hindi maglalabas ng pahayag ang Palasyo kaugnay sa mga atake ni Vice President Sara Duterte.

Maaanghang ang mga binitawan na salita ni VP Sara kahapon sa sitdown interview nito laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sinabi ni VP Duterte na hindi marunong na Presidente ang nakaupo, at nasa “road to hell” ngayon ang Pilipinas.

Nabanggit din ni VP Duterte na pinagbantaan niya sa Senator Aimee Marcos sa kanilang group chat na kung hindi sila titigil, ay huhukayin nuya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani at itatapon niya sa West Philippine Sea.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa kanya, ginamit lamang umano siya ni Marcos para manalo sila sa Visayas matapos siyang kunin na ka-tandem.

Matatandaan na nabuwag ang uniteam tandem nina Pangulong Marcos at VP Sara, matapos magbitiw sa gabinete ang Bise Presidente noong Hunyo.