Dumistansya ang Malacañang sa desisyon ng Sandiganbayan na i-drop ang graft at plunder charges laban kay dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, at iginiit na walang kapangyarihan ang Pangulo sa mga desisyon ng korte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bahagi ng hudikatura ang Sandiganbayan at dapat igalang ang separation of powers. Sinabi rin niyang nananatiling nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pananagutan sa mga sangkot sa mga kaso.

Nauna nang pinaboran ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ng Ombudsman na alisin si Bonoan bilang co-accused sa kasong kinasasangkutan ni dating Senador Jinggoy Estrada. Ayon sa korte, bahagi ito ng prosecutorial discretion ng Ombudsman sa pagpili ng maaaring gawing state witness.

Sinabi naman ni Castro na posibleng may nakitang dahilan ang Ombudsman para gawing testigo si Bonoan sa kaso.

-- ADVERTISEMENT --