
Itinanggi ng Malacañang ang kumakalat na balita na may sakit si president Ferdinand bongbong Marcos Jr. at iginiit na abala lamang ito sa mga pulong at gawain ng pamahalaan.
Ayon kay palace press officer undersecretary Claire Castro, maayos ang kalagayan ng pangulo kahit hindi ito nakadalo sa isang nakatakdang aktibidad sa Quezon City.
Nakatakda ring pangunahan ni pangulong Marcos ang oath-taking ng mga opisyal ng Vice Mayors’ League of the Philippines sa hapon.
Sa parehong araw, pamumunuan din niya ang pulong ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o Uplift committee, na binuo matapos ideklara ang isang taong national state of energy emergency sa ilalim ng Executive Order No. 110.
Nanawagan ang Palasyo sa publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat na maling impormasyon sa social media.
Ipinabatid din na ginugol ng pangulo ang Semana Santa kasama ang kanyang pamilya sa Ilocos Norte.
Napansin naman ng ilang netizen na tila nadagdagan ang timbang ng pangulo matapos itong ma-diagnose ng diverticulitis noong Enero.










