
Itinanggi ng Malacañang na suspendido ang pasok sa paaralan sa buong bansa ngayong Oktubre 5 bilang pagdiriwang ng World Teacher’s Day.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na wala silang inilabas ng anumang anunsiyo na kanselado ang pasok.
Pinayuhan nila ang publiko na huwag ng ibahagi o ipakalat ang pekeng anunsiyo online.
Mahalaga aniya na kumuha ng mga impormasyon o anunsiyo sa mga official government sources.
Wala din aniyang pinirmahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na proclamation na nagsususpendi ng pasok ngayong Oktubre 5.
-- ADVERTISEMENT --
Subalit may ilang mga local government units ang nagsuspendi ng face-to-face classes dahil sa pagdiriwang ng National Teachers Day.




