Sinabi ng Malacañang na nasa kamay na ng mga senador kung tutugon sila sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ng special session ang Kongreso sa Hunyo 17.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagampanan na ng Pangulo ang kanyang tungkulin nang ipatawag niya ang special session at inaasahan nitong gagawin din ng mga senador ang kanilang obligasyon sa gitna ng umiiral na sigalot sa liderato ng Senado.

Binigyang-diin ni Castro na mahalagang mapanatili ang kaayusan sa Senado upang maipagpatuloy ang trabaho ng Kongreso para sa kapakanan ng publiko.

Kasunod ito ng Proclamation No. 1318 na inilabas ni Pangulong Marcos upang maipasa ang mga prayoridad na panukala at matalakay ang mga mahahalagang appointment sa pamahalaan.

Samantala, muling iginiit ng Palasyo na dapat unahin ng mga opisyal ng gobyerno ang paglilingkod sa mamamayan kaysa sa interes sa kapangyarihan at politika.

-- ADVERTISEMENT --