
Nilinaw ng Malacañang na hindi inaabsuwelto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa kabila ng muling pagtatalaga rito bilang chairperson at chief executive officer ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hiwalay ang usapin ng umano’y anomalya sa flood control projects sa naging pagtatalaga kay Pangandaman. Aniya, bukas ang Pangulo sa anumang imbestigasyon kung may sapat na ebidensya laban sa dating kalihim at hindi nangangahulugang siya ay hinuhusgahan o inaabsuwelto ng Pangulo.
Idinagdag ni Atty. Castro na wala pang nakabinbing kaso laban kay Pangandaman at malaya ang Independent Commission of Inquiry (ICI), Office of the Ombudsman, at Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang sinumang maaaring masangkot sa isyu.










