
Itinanggi ng Malacañang ang pahayag ng kampo ni Bise Presidente Sara Duterte na hindi maaaring magsagawa ng patas na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil nasa ilalim ito ng Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alam ng mga abogado ng Bise Presidente ang mandato ng NBI kaya’t nakapagtatakang ngayon lamang nila kinukuwestiyon ang pagiging patas ng imbestigasyon. Aniya, ang mahalagang usapin ay ang mga pahayag ni Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, na aniya’y hayagang narinig at nakita ng publiko.
Ang pahayag ni Castro ay tugon sa argumento ng defense panel sa impeachment trial sa Senado. Nauna namang tumestigo si NBI-BARMM Regional Director Jeremy Lotoc na batay sa naging imbestigasyon ng NBI, naniniwala ang ahensiya na maaaring may pananagutan si Duterte sa mga kasong grave threats at inciting to sedition.










