
Inilikas ang international airport at seaport sa lungsod ng Aqaba sa timog Jordan matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa isang partikular at kapani-paniwalang banta sa seguridad.
Sa abiso ng US Embassy sa Jordan, pinayuhan ang lahat ng mga Amerikanong nasa bansa na iwasang bumiyahe patungo sa paliparan at daungan at sundin ang lahat ng ipinatutupad na direktiba ng mga awtoridad sa Jordan.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang embahada hinggil sa naturang banta.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang pamahalaan ng Jordan kaugnay sa insidente.
Samantala, kinumpirma ng militar ng Estados Unidos na dalawang sundalo nito ang nasawi at isa pa ang nawawala matapos ang isinagawang pag-atake ng Iran sa Jordan. Kasabay nito, sinabi ng Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei na pananagutin ang Estados Unidos dahil sa umano’y pagpapalala ng tensyon sa gitna ng nagpapatuloy na mga airstrike ng Amerika.








